Bakit ba dumadami ang waldas na pinoy ? kakasweldo ko lang ubos na ? may sale ngayon . Ito madalas ang maririnig mo sa mga tao ngayon kasi makati ang kamay natin feeling mayaman pero humingi lang ng pera sa magulang , inutang sa bumbay , sangla ATM at marami pang kalokohan and pinag gagawa , bakit hindi natin gayahin ang mga Ilokano , ang tingin natin kuripot pero ang totoo magaling sila humawak ng pera , mas maganda na ang kuripot kaysa santa claus palagi bigay dito bigay doon kaya ano kinalabasan LOANDON loan don loan dito in short UTANG na naman , baguhin na natin ang ating mindset na ganito , ang Suggestion ko umattend ng Financial Literacy Seminar or kung walang pamasahe or pang bayad ng seminar i search na lang sa Youtube .
Tips on how to get rid of this One day millionaire virus 1. Buy only want you need and not what you want 2. Try to live simply 3. learn to save money 4. become a cheapskate 5. budget your money
0 Comments
Maraming tao gusto mag-negosyo , pero ang problema walang pera , walang alam , walang experience at marami pang dahilan . Karaniwan ng Pinoy ang mindset ay ganito anak mag aral ka maigi pag nakatapos ka maghanap ka ng magandang trabaho, ang tanong may trabaho ba ? may experience ba ? tapos ba ng business admin ? pero bakit pa rin tinutulak ng mga magulang ang pagiging trabahante ? dahil ito ang tinuro ng mga magulang natin panahon pa ng mga kastila , pero bago dumating ang mga kastila ay negosyante na ang mga Pinoy dahil nakikipag palitan tayo ng kalakalan sa mga karatig bansa natin tulad ng mga Chinese kaya tayo ay kumakain ng pancit , Japanese kaya tayo ay marunong magpanday at maraming pa ibang dayuhan , pero nung dumating ang mga kastila ay ginawa tayong utusan o trabahante ng mga aristokrat kaya ito na ang naging mindset ng ating mga magulang . Kung ganun ano ang dapat nating gawin para mabago ang pananaw ng Pinoy upang magnegosyo ? ang sagot ay baguhin natin ang mindset ng Pinoy sa halip na mag trabahante ay maging Negosyante . Ano ba ang uri ng Negosyo na pwede pasukin ng Pinoy ? 1. Mag Direct Selling - mababa lang ang puhunan or minsan pa utang pa , ang problema ay kung hindi ka magaling mag alok pero ito ay magandang negosyo dahil hindi ka na mag iisip ng produkto , systema or malaking Kapital . Maraming magandang Direct Selling na kumpanya gaya ng dakki , natasha , avon , tupperware , ever bilena at marami pang iba 2. Mag Ahente ng Bahay at Lupa - ang maganda dito wala kang ilalabas na Kapital , ang gagawin mo lang ay magpa accredit sa mga real estate company or mag broker ka , kailangan pag tyagaan mo ang pamimigay ng flyers , rejection , indian ng client , open house at marami pang activity. Ang maganda rito ay malaki ang commission pag naka benta ka ng isang unit kaya maraming tao ang sumusubok dito , ang payo ko lang gawin mo munang part time at kung malaki at regular ang income mo dito ay mag Full Time ka na 3. Sumali sa isang Network Marketing Company - maliit ang Kapital at malaki ang kitaan , marami nang yumaman at umasenso sa industriyang ito pero marami rin ang failure dahil sa nagsasarang kumpanya or scam na lumalabas , ang payo ko lang pumili ng legal na kumpanya na member ng Direct Selling Association of the Philippines or MLMIA (Multi Level Marketing International Association) para makasigurado kang Legal ang kumpanyang papasukin mo 4. mag Online Selling maraming kumita na sa pagbebenta ng produkto sa pamamagitan ng internet , maraming pwedeng ibenta gaya ng damit , vitamins , pets , pillows at marami nang iba ito ang example ng site na pwedeng mag benta OLX , Menosgastos, Facebook , instagram , google plus , blogger at marami pang iba. Please i google mo na lang yung iba 5. Mag buy and sell Bibili ka ng product sa wholesale price at ibebenta mo ng retail price , example na lang binili mo sa Divisoria ng wholsale price at ibebenta mo ng 40% profit margin malaki na ang tubo mo kasi ikaw mismo ang nagpatong 6. Kumuha ng franchise kung ikaw nag uumpisa I suggest mag franchise ka kasi may systema na at product kung baga bibilhin mo lang ang karapatan upang maibenta mo ang products and services nila , example ng franchise ay Ministop 7 Eleven , Mang Inasal Jolibee Miguelitos atbp dapat member sila ng PFA or Philippine Franchise Association para hindi kayo maloko ng bogus na kumpanya 7. Coffee Vendo Machine maganda ito dahil hindi mo na kailangan bantayan , ang kailangan mo lang ay mga matataong lugar gaya ng school , malls , tindahan . pwede mo pa ito isabay sa ibang business mo like Stall 8. Mag Massage pwede kang mag massage dahil flexible ito , pwedeng home service or maglagay ka ng isang upuan or kama sa isang mataong lugar or Mag Franchise ka na lang 9. Affiliate Marketing 10. Create a BLOG |
AuthorHi Good Morning I'm Jessie Reyes y Paulino isang blogger , social entrepreneur , Bible study teacher . Ginawa ko itong blog na ito para makatulong sa mga kababayang Pilipino na walang maisip na pagkakakitaan or walang ginagawa , ito po ay libre at pwedeng kopyahin . Ang lahat ng nakalagay sa blog na ito ay hango sa personal experience ko at sa mga experience ng mga kakilala ko na negosyante . God Bless and Shalom unto ye Archives
August 2016
Categories |